Transparency Report sa Access sa Data at Pag-delete ng Data

Gaya ng inilalarawan sa Patakaran sa Privacy at Help Center ng Privacy ng Google, nagpapanatili kami ng iba't ibang tool para sa mga user para ma-update, mapamahalaan, ma-access, maiwasto, ma-export, at ma-delete nila ang kanilang impormasyon, at para makontrol nila ang kanilang privacy sa iba't ibang serbisyo ng Google. Partikular dito, bawat taon, milyon-milyong user sa U.S. ang gumagamit sa feature ng Google na I-download ang iyong data o nagde-delete ng ilan sa kanilang data gamit ang feature ng Google na Aking Aktibidad. Nagbibigay-daan ang mga tool na ito sa mga user na piliin ang mga partikular na uri ng data sa mga serbisyo ng Google na gusto nilang suriin, i-download, o i-delete, sa pamamagitan ng mga kahilingang awtomatikong pinoproseso. Bukod pa rito, puwedeng gamitin ng mga user ang kanilang mga karapatan sa bisa ng mga partikular na batas sa privacy gaya ng California Consumer Privacy Act (“CCPA”) sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Google.

Nagbibigay ang talahanayan sa ibaba ng higit pang impormasyon sa paggamit ng mga tool at paraan ng pakikipag-ugnayang ito sa 2023:

Uri ng kahilinganBilang ng mga kahilinganMga ganap o hindi ganap na nakumpletong kahilinganMga tinanggihang kahilingan***Average na tagal bago makapagbigay ng makabuluhang sagot
Paggamit ng I-download ang iyong data*Humigit-kumulang 8.8 (na) milyonHumigit-kumulang 8.8 (na) milyonN/A (mga kahilingang awtomatikong pinroseso)Wala pang 1 araw (mga kahilingang awtomatikong pinroseso)
Paggamit ng Pag-delete ng Aking Aktibidad*Humigit-kumulang 60.6 (na) milyonHumigit-kumulang 60.6 (na) milyonN/A (mga kahilingang awtomatikong pinroseso)Wala pang 1 araw (mga kahilingang awtomatikong pinroseso)
Mga kahilingan para malaman (sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa)**42442226 na araw
Mga kahilingan para mag-delete (sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Google)**323207 araw
Mga kahilingan para magwasto (sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Google)**000N/A

Gaya ng ipinapaliwanag sa aming Patakaran sa Privacy, hindi ibinebenta ng Google ang personal na impormasyon ng aming mga user at ginagamit lang nito ang personal na impormasyong itinuturing ng CCPA na sensitibo para sa mga layuning pinapahintulutan ng CCPA. Alinsunod dito, kapag nagsusumite ang mga user ng mga kahilingang mag-opt out sa pagbebenta ng personal na impormasyon o limitahan ang paggamit sa kanilang personal na impormasyon, sinasagot namin ang ganitong mga kahilingan sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng aming mga kasanayan at pangako. Nagbibigay din kami sa mga user ng impormasyon tungkol sa mga limitadong sitwasyon kung saan posibleng ibahagi ang kanilang personal na impormasyon sa labas ng Google, mga kontrol na mayroon sila patungkol sa pagbahagi, at karagdagang kontrol sa pangongolekta at paggamit ng sensitibong impormasyon na posibleng available depende sa kung aling serbisyo ng Google ang ginagamit nila.

* Data para sa mga user na nasa U.S.

** Data para sa mga user na nagpapakilala bilang mga residente ng California

*** Tinanggihan ang bawat isa sa mga kahilingang tinanggihan noong 2023 dahil hindi ma-verify ang kahilingan o binawi ng user ang kahilingan

Mga app ng Google
Pangunahing menu