Patakaran sa Ipinagbabawal na Paggamit ng Generative AI

Huling Binago: Marso 14, 2023

Matutulungan ka ng mga Generative AI models na mag-explore ng mga bagong paksa, magkaroon ng inspirasyon para sa pagkamalikhain mo, at matuto ng mga bagong bagay. Gayunpaman, inaasahan naming gamitin at ituring mo ang mga ito sa responsable at legal na paraan. Kaugnay nito, hindi mo dapat gamitin ang mga serbisyo ng Google na gumagamit ng patakarang ito para:

  1. Magsagawa o mangasiwa ng mga mapanganib, ilegal, o nakakapinsalang aktibidad, kabilang ang
    1. Pangangasiwa o pagsusulong ng mga ilegal na aktibidad o paglabag sa batas, gaya ng
      1. Pagsusulong o pagbuo ng content na nauugnay sa sekswal na pang-aabuso o pananamantala ng bata
      2. Pagsusulong o pangangasiwa ng pagbebenta, o pagbibigay ng mga tagubilin para sa pagbuo o pag-access, ng mga ilegal na substance, produkto, o serbisyo
      3. Pangangasiwa o paghihikayat sa mga user na magsagawa ng anumang uri ng krimen
      4. Pagsusulong o pagbuo ng content na nauugnay sa marahas na extremism o terorismo
    2. Pang-aabuso, pamiminsala, pagpigil, o pag-abala sa mga serbisyo (o pagbibigay-daan sa iba na gawin ito), gaya ng
      1. Pagsusulong o pangangasiwa ng pagbuo o pamamahagi ng spam
      2. Pagbuo ng content para sa mapanlinlang o mapanlokong aktibidad, scam, phishing, o malware
    3. Mga pagtatangkang mag-override o lumusot sa mga pangkaligtasang (safety) filter o sadyang magdulot na kumilos ang modelo sa paraang labag sa aming mga patakaran
    4. Pagbuo ng content na posibleng makapagpahamak o magsulong sa pagpapahamak sa mga indibidwal o grupo, gaya ng
      1. Pagbuo ng content na nagsusulong o naghihikayat ng poot
      2. Pangangasiwa ng mga paraan ng pangha-harass o bullying para takutin, abusuhin, o insultuhin ang iba
      3. Pagbuo ng content na nangangasiwa, nagsusulong, o nag-uudyok ng karahasan
      4. Pagbuo ng content na nangangasiwa, nagsusulong, o naghihikayat ng pananakit sa sarili
      5. Pagbuo ng impormasyong nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan para sa pagpapamahagi o iba pang pamiminsala
      6. Pag-track o pagsubaybay sa mga tao nang hindi nila pinahintulutan
      7. Pagbuo ng content na posibleng may mga hindi patas o hindi magandang epekto sa mga tao, partikular na ang mga epektong nauugnay sa mga sensitibo o pinoprotektahang katangian
  2. Bumuo at magpamahagi ng content na nilalayong magbigay ng maling impormasyon o magdulot ng misrepresentasyon o panlilinlang, kabilang ang
    1. Misrepresentasyon ng pinagmulan ng nabuong content sa pamamagitan ng pagsasabing gawa ito ng tao, o pagpapakilala sa nabuong content bilang mga orihinal na gawa, para makapanloko
    2. Pagbuo ng content na nanggagaya ng isang indibidwal (buhay man o hindi) nang walang tahasang paghahayag, para makapanloko
    3. Mga mapanlinlang na claim ng kadalubhasaan o kakayahan sa mga sensitibong larangan (hal. kalusugan, pananalapi, mga serbisyo ng pamahalaan, o batas)
    4. Paggawa ng mga naka-automate na desisyon sa mga larangang nakakaapekto sa mga materyal o indibidwal na karapatan o well-being (hal., pananalapi, batas, trabaho, pangangalagang pangkalusugan (healthcare), pabahay, insurance, at social welfare)
  3. Bumuo ng sexually explicit na content, kabilang ang content na nilikha para sa pornograpiya o sekswal na kasiyahan (hal. mga sekswal na chatbot). Tandaang hindi kabilang dito ang content na ginawa para sa agham, edukasyon, dokumentaryo, o sining
Mga app ng Google
Pangunahing menu