Ang content na ito ay mula sa naka-archive na bersyon ng aming Patakaran sa Privacy. Tingnan dito ang aming kasalukuyang Patakaran sa Privacy.

"pagsamahin ang personal na impormasyong mula sa isang serbisyo at ang impormasyong mula sa iba pang mga serbisyo ng Google na kinabibilangan ng personal na impormasyon"

Mga Halimbawa

  • Halimbawa, kapag naka-sign in ka sa iyong Google Account at naghanap ka sa Google, makakakita ka ng mga resulta ng paghahanap mula sa pampublikong web, pati na ng mga pahina, larawan at post sa Google+ mula sa iyong mga kaibigan at maaaring makita ng mga taong nakakakilala o sumusubaybay sa iyo sa Google+ ang iyong mga post at profile sa kanilang mga resulta. Maaari ka ring makakita ng may kaugnayang impormasyon mula sa nilalamang mayroon ka sa iba pang mga produkto ng Google na ginagamit mo, gaya ng Gmail o Google Calendar.
  • Kung nagpaplano kang maglakbay sa Italy, at hinanap mo ang "florence" sa Google, maaari kang makakita ng mga larawan o artikulo mula sa iyong mga kaibigan tungkol sa Florence sa iyong mga resulta ng paghahanap. Pinapadali ng mga resultang ito ang pagtuklas ng kanilang mga rekomendasyon at pagsisimula ng usapan tungkol sa mga lugar na dapat puntahan. Matuto nang higit pa.
  • Ginagamit ng Google Now ang data na maaaring inimbak mo sa iba pang mga produkto ng Google. Halimbawa, kung mayroon kang mga paghahanap na nakaimbak sa iyong Kasaysayan sa Web, maaaring magpakita ang Google Now ng mga card ng impormasyon batay sa mga score sa sports, status ng flight at higit pa, batay sa mga nakaraang paghahanap na iyon. Upang pamahalaan ang iyong Kasaysayan sa Web, bisitahin ang google.com/history/. Magagamit mo pa rin ang Google Now kahit tanggalin o i-pause mo ang iyong Kasaysayan sa Web, ngunit hindi lalabas ang ilang partikular na uri ng impormasyon. Matuto nang higit pa.
  • Kung mayroon kang entry sa Google Calendar para sa isang appointment sa negosyo, maaaring tingnan ng Google Now ang kalagayan ng trapiko at magmungkahi kung kailan ka dapat umalis upang makarating ka sa iyong appointment sa tamang oras.
Mga app ng Google
Pangunahing menu