Ang content na ito ay mula sa naka-archive na bersyon ng aming Patakaran sa Privacy. Tingnan dito ang aming kasalukuyang Patakaran sa Privacy.

"ang aktibidad mo sa iba pang mga site at app"

Mga Halimbawa

Maaaring magmula ang aktibidad na ito sa iyong paggamit ng mga produkto ng Google tulad ng Chrome Sync o mula sa iyong mga pagbisita sa mga site at app na nakikipagsosyo sa Google. Maraming website at app ang nakikipagsosyo sa Google upang pahusayin ang kanilang content at mga serbisyo. Halimbawa, maaaring gamitin ng isang website ang aming mga serbisyo sa pag-a-advertise (tulad ng AdSense) o mga tool sa analytics (tulad ng Google Analytics), o maaaring mag-embed ito ng iba pang content (tulad ng mga video mula sa YouTube). Ang mga produktong ito ay nagbabahagi ng impormasyon tungkol sa iyong aktibidad sa Google at, depende sa mga setting ng iyong account at mga produktong ginagamit (halimbawa, kapag gumagamit ng Google Analytics kasabay ng aming mga serbisyo sa pag-a-advertise ang isang kasosyo), maaaring iugnay sa iyong personal na impormasyon ang data na ito.

Matuto nang higit pa tungkol sa kung paano ginagamit ng Google ang data kapag ginamit mo ang mga site o app ng aming mga kasosyo.

Mga app ng Google
Pangunahing menu