Patakaran sa Privacy ng Google
Kapag ginamit mo ang aming mga serbisyo, ipinagkakatiwala mo sa amin ang iyong impormasyon. Nauunawaan naming malaki itong responsibilidad at nagsisikap kaming protektahan ang iyong impormasyon at bigyan ka ng kontrol dito.
Ang Patakaran sa Privacy ay naglalayong matulungan kang maunawaan kung anong impormasyon ang aming kinokolekta, bakit namin ito kinokolekta, at kung paano mo maaaring i-update, pamahalaan, i-export, at i-delete ang iyong impormasyon.
Privacy Checkup
Gustong baguhin ang iyong mga setting ng privacy?
Epektibo mula Oktubre 4, 2023 | Mga naka-archive na bersyon | I-download ang PDF
Bumubuo kami ng iba't ibang serbisyong nakakatulong araw-araw sa milyon-milyong tao na mag-explore at makipag-ugnayan sa mundo sa mga bagong paraan. Kabilang sa aming mga serbisyo ang:
- Mga app, site, at device ng Google, tulad ng Search, YouTube, at Google Home
- Mga platform tulad ng Chrome browser at Android operating system
- Mga produktong kasama sa mga third-party na app at site, tulad ng mga ad, analytics, at naka-embed na Google Maps
Puwede mong gamitin ang aming mga serbisyo sa iba't ibang paraan para pamahalaan ang iyong privacy. Halimbawa, puwede kang mag-sign up para sa isang Google Account kung gusto mong gumawa at mamahala ng content tulad ng mga email at larawan, o makakita pa ng mga mas may kaugnayang resulta ng paghahanap. At puwede kang gumamit ng maraming serbisyo ng Google kapag naka-sign out ka o nang hindi talaga gumagawa ng account, tulad ng paghahanap sa Google o panonood ng mga video sa YouTube. Puwede mo ring piliing mag-browse sa web sa pribadong mode, tulad ng Incognito mode sa Chrome. At sa lahat ng aming serbisyo, puwede mong isaayos ang iyong mga setting ng privacy para makontrol kung ano ang aming kinokolekta at kung paano ginagamit ang iyong impormasyon.
Upang makatulong na maipaliwanag nang mabuti ang mga bagay, nagdagdag kami ng mga halimbawa, mga video na nagbibigay ng paliwanag, at pagpapakahulugan para sa mga pangunahing termino. At kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa Patakaran sa Privacy na ito, maaari kang makipag-ugnayan sa amin.
Impormasyong kinokolekta ng Google
Gusto naming maintindihan mo ang mga uri ng impormasyong kinokolekta namin habang ginagamit mo ang aming mga serbisyo
Nangongolekta kami ng impormasyon upang makapagbigay ng mas mahuhusay na serbisyo sa lahat ng aming user — mula sa pag-alam ng mga pangunahing bagay tulad ng wikang iyong sinasalita, hanggang sa mga mas kumplikadong bagay tulad ng kung aling mga ad ang magiging pinakakapaki-pakinabang sa iyo, mga taong pinakamahalaga sa iyo online, o kung aling mga video sa YouTube ang maaari mong magustuhan. Ang impormasyong kinokolekta ng Google at kung paano ginagamit ang impormasyong iyon ay nakadepende sa kung paano mo ginagamit ang aming mga serbisyo at kung paano mo pinamamahalaan ang iyong mga kontrol sa privacy.
Kapag hindi ka naka-sign in sa isang Google Account, sino-store namin ang impormasyong kinokolekta namin gamit ang mga natatanging identifier na nauugnay sa browser, application, o device na ginagamit mo. Nagbibigay-daan ito sa amin na gawin ang mga bagay tulad ng pagpapanatili sa mga kagustuhan mo sa lahat ng session ng pag-browse, tulad ng gusto mong wika o kung magpapakita sa iyo ng higit pang nauugnay na resulta ng paghahanap o ad batay sa aktibidad mo.
Kapag naka-sign in ka, kinokolekta rin namin ang impormasyong sino-store namin sa iyong Google Account, na itinuturing namin bilang personal na impormasyon.
Mga bagay na ginagawa o ibinibigay mo sa amin
Kapag gumagawa ka ng Google Account, nagbibigay ka sa amin ng personal na impormasyon na kinabibilangan ng iyong pangalan at password. Puwede mo ring piliing magdagdag ng numero ng telepono o impormasyon sa pagbabayad sa iyong account. Kahit hindi ka naka-sign in sa isang Google Account, puwede mong piliing magbigay sa amin ng impormasyon — tulad ng email address para makipag-ugnayan sa Google o makatanggap ng mga update tungkol sa aming mga serbisyo.
Kinokolekta rin namin ang content na iyong ginagawa, ina-upload, o natatanggap mula sa ibang tao kapag ginagamit ang aming mga serbisyo. Kabilang sa mga bagay na ito ang mga email na sinusulat at natatanggap mo, larawan at video na sine-save mo, doc at spreadsheet na ginagawa mo, at komentong ginagawa mo sa mga video sa YouTube.
Impormasyong kinokolekta namin habang ginagamit mo ang aming mga serbisyo
Iyong mga app, browser, at device
Kinokolekta namin ang impormasyon tungkol sa mga app, browser, at device na ginagamit mo upang mag-access ng serbisyo ng Google, na tumutulong sa aming magbigay ng mga feature tulad ng awtomatikong pag-update ng produkto at pag-dim ng iyong screen kung kaunti na ang baterya mo.
Kasama sa impormasyong kinokolekta namin ang mga natatanging identifier, uri at mga setting ng browser, uri at mga setting ng device, operating system, impormasyon ng mobile network kabilang ang pangalan ng carrier at numero ng telepono, at numero ng bersyon ng application. Kinokolekta rin namin ang impormasyon tungkol sa pakikipag-ugnayan ng iyong mga app, browser, at device sa aming mga serbisyo, kabilang ang IP address, mga ulat ng pag-crash, aktibidad ng system, at ang petsa, oras, at referrer URL ng kahilingan mo.
Kinokolekta namin ang impormasyong ito kapag nakikipag-ugnayan sa aming mga server ang isang serbisyo ng Google na nasa iyong device — halimbawa, kapag nag-install ka ng app mula sa Play Store o kapag may serbisyong tumitingin ng mga awtomatikong pag-update. Kung gumagamit ka ng Android device na may mga Google app, pana-panahong nakikipag-ugnayan sa mga server ng Google ang iyong device para magbigay ng impormasyon tungkol sa device mo at koneksyon sa aming mga serbisyo. Kasama sa impormasyong ito ang mga bagay tulad ng uri at pangalan ng carrier ng iyong device,, mga ulat ng pag-crash, kung aling mga app ang na-install mo, at depende sa mga setting ng iyong device, iba pang impormasyon tungkol sa kung paano mo ginagamit ang iyong Android device.
Iyong aktibidad
Kinokolekta namin ang impormasyon tungkol sa iyong aktibidad sa aming mga serbisyo, na ginagamit namin upang gumawa ng mga bagay tulad ng pagrerekomenda ng video sa YouTube na maaaring magustuhan mo. Maaaring kasama sa kinokolekta naming impormasyon ng aktibidad ang:
- Mga terminong hinahanap mo
- Mga video na pinapanood mo
- Mga pagtingin at pakikipag-ugnayan sa content at mga ad
- Impormasyon ng boses at audio
- Aktibidad sa pagbili
- Kung kanino ka nakikipag-ugnayan o nagbabahagi ng conent
- Aktibidad sa mga third-party na site at app na gumagamit ng aming mga serbisyo
- History ng pag-browse sa Chrome na na-sync mo sa iyong Google Account
Kung ginagamit mo ang aming mga serbisyo para tumawag at makatanggap ng mga tawag, o magpadala at makatanggap ng mga mensahe, posibleng mangolekta kami ng impormasyon ng log ng tawag at mensahe gaya ng iyong numero ng telepono, numero ng tumawag, numero ng nakatanggap ng tawag, mga pagpapasahang numero, email address ng nagpadala at tumanggap, tagal ng tawag, impormasyon sa pagruruta, at mga uri at dami ng mga tawag at mensahe.
Maaari mong bisitahin ang iyong Google Account upang hanapin at pamahalaan ang impormasyon ng aktibidad na naka-save sa account mo.
Iyong impormasyon ng lokasyon
Kinokolekta namin ang impormasyon tungkol sa iyong lokasyon kapag ginagamit mo ang aming mga serbisyo, na nakakatulong sa aming mag-alok ng mga feature tulad ng mga direksyon sa pagmamaneho, resulta sa paghahanap para sa mga bagay na malapit sa iyo, at ad batay sa pangkalahatang lokasyon mo.
Matutukoy ang iyong lokasyon nang may iba't ibang antas ng katumpakan sa pamamagitan ng:
- GPS at iba pang data ng sensor mula sa iyong device
- IP address
- Aktibidad sa mga serbisyo ng Google, tulad ng iyong mga paghahanap at lugar na nilagyan mo ng label tulad ng bahay o trabaho
- Impormasyon tungkol sa mga bagay na malapit sa iyong device, gaya ng mga Wi-Fi access point, cell tower, at device na may naka-enable na Bluetooth
Nakadepende nang bahagya sa iyong device at mga setting ng account ang mga uri ng data ng lokasyon na kinokolekta namin at kung gaano namin katagal sino-store ito. Halimbawa, puwede mong i-on o i-off ang lokasyon ng iyong Android device gamit ang app ng mga setting ng device mo. Puwede mo ring i-on ang History ng Lokasyon kung gusto mong gumawa ng pribadong mapa ng iyong mga pinupuntahang lugar nang dala ang mga naka-sign in mong device. At kung naka-enable ang iyong setting ng Aktibidad sa Web at App, mase-save sa Google Account mo ang iyong mga paghahanap at iba pang aktibidad mula sa mga serbisyo ng Google, na posibleng kinabibilangan ng impormasyon ng lokasyon. Matuto pa tungkol sa kung paano namin ginagamit ang impormasyon ng lokasyon.
Sa ilang sitwasyon, nangongolekta rin ang Google ng impormasyon tungkol sa iyo mula sa mga source na naa-access ng publiko. Halimbawa, kung lumalabas ang pangalan mo sa iyong lokal na pahayagan, posibleng i-index ng Search engine ng Google ang artikulong iyon at ipakita ito sa ibang tao kung hahanapin nila ang pangalan mo. Puwede rin kaming mangolekta ng impormasyon tungkol sa iyo mula sa mga pinagkakatiwalaang partner, gaya ng mga serbisyo ng directory na nagbibigay sa amin ng impormasyon ng negosyo na ipapakita sa mga serbisyo ng Google, mga partner sa marketing na nagbibigay sa amin ng impormasyon tungkol sa mga potensyal na customer ng aming mga serbisyong pangnegosyo, at mga partner sa seguridad na nagbibigay sa amin ng impormasyon para makapagbigay ng proteksyon laban sa pang-aabuso. Nakakatanggap din kami ng impormasyon mula sa mga partner sa pag-advertise para magbigay ng mga serbisyo sa pag-advertise at pananaliksik sa ngalan nila.
Gumagamit kami ng iba't ibang teknolohiya upang mangolekta at mag-store ng impormasyon, kasama ang cookies, mga pixel tag, lokal na storage, gaya ng web storage ng browser o mga data cache ng application, mga database, at mga log ng server.
Bakit nangongolekta ng data ang Google
Ginagamit namin ang data upang gumawa ng mas mahuhusay na serbisyo
Ginagamit namin ang impormasyong kinokolekta namin mula sa lahat ng aming serbisyo para sa mga sumusunod na layunin:
Ibigay ang aming mga serbisyo
Ginagamit namin ang iyong impormasyon upang ihatid ang aming mga serbisyo, tulad ng pagproseso sa mga terminong hinahanap mo upang makapagbalik ng mga resulta o pagtulong sa iyong magbahagi ng content sa pamamagitan ng pagmumungkahi ng mga tagatanggap mula sa iyong mga contact.
Panatilihin at pahusayin ang aming mga serbisyo
Ginagamit din namin ang iyong impormasyon upang matiyak na gumagana ang aming mga serbisyo gaya ng inaasahan, tulad ng pagsubaybay sa mga outage o pag-troubleshoot sa mga isyung inuulat mo sa amin. At ginagamit namin ang iyong impormasyon upang gumawa ng mga pagpapahusay sa aming mga serbisyo — halimbawa, nakakatulong ang pag-unawa sa kung aling mga termino para sa paghahanap ang pinakamadalas mali ang pagbabaybay upang mapahusay namin ang mga feature na pang-check ng pagbabaybay na ginagamit sa lahat ng aming serbisyo.
Bumuo ng mga bagong serbisyo
Ginagamit namin ang impormasyong kinokolekta namin sa mga kasalukuyang serbisyo upang matulungan kaming bumuo ng mga bago. Halimbawa, nakatulong sa amin ang pag-unawa kung paano inaayos ng mga tao ang kanilang mga larawan sa Picasa, ang unang app ng mga larawan ng Google, na idisenyo at ilunsad ang Google Photos.
Magbigay ng mga naka-personalize na serbisyo, kabilang ang content at mga ad
Ginagamit namin ang impormasyong aming kinokolekta upang i-customize ang aming mga serbisyo para sa iyo, kabilang ang pagbibigay ng mga rekomendasyon, naka-personalize na content, at naka-customize na resulta ng paghahanap. Halimbawa, nagbibigay ang Pagsuri sa Seguridad ng mga tip sa seguridad na nakaangkop sa kung paano mo ginagamit ang mga produkto ng Google. At ginagamit ng Google Play ang impormasyon tulad ng mga app na na-install mo na at mga video na pinanood mo sa YouTube upang magmungkahi ng mga bagong app na maaaring magustuhan mo.
Depende sa mga setting mo, puwede ka rin naming pakitaan ng mga naka-personalize na ad batay sa iyong mga interes. Halimbawa, kung maghahanap ka ng “mga mountain bike,” posibleng makakita ka ng mga ad para sa kagamitan sa sports sa YouTube. Makokontrol mo kung anong impormasyon ang gagamitin namin para magpakita sa iyo ng mga ad sa pamamagitan ng pagpunta sa mga setting ng ad mo sa Ang Aking Ad Center.
- Hindi kami nagpapakita sa iyo ng mga naka-personalize na ad batay sa mga mga sensitibong kategorya, gaya ng lahi, relihiyon, sekswal na oryentasyon, o kalusugan.
- Hindi kami nagpapakita ng mga naka-personalize na ad sa iyo batay sa content mo mula sa Drive, Gmail, o Photos.
- Hindi kami nagbabahagi sa mga advertiser ng impormasyong personal na tumutukoy sa iyo, gaya ng pangalan o email mo, maliban na lang kung hiniling mo sa aming gawin ito. Halimbawa, kung nakakakita ka ng ad para sa isang malapit na flower shop at pipiliin mo ang button na “mag-tap para tumawag,” ikokonekta namin ang iyong tawag at maaari naming ibahagi ang numero ng telepono mo sa flower shop.
Pumunta sa Ang Aking Ad Center
Sukatin ang performance
Ginagamit namin ang data para sa analytics at pagsukat para maunawaan kung paano ginagamit ang aming mga serbisyo. Halimbawa, sinusuri namin ang data tungkol sa iyong mga pagbisita sa aming mga site para gumawa ng mga bagay tulad ng pag-optimize sa disenyo ng produkto. At ginagamit din namin ang data tungkol sa mga ad kung saan ka nakikipag-ugnayan para tulungan ang mga advertiser na maunawaan ang performance ng kanilang mga ad campaign. Gumagamit kami ng iba't ibang tool para gawin ito, kasama na ang Google Analytics. Kapag bumisita ka sa mga site o gumamit ng mga app na gumagamit ng Google Analytics, puwedeng piliin ng isang customer ng Google Analytics na bigyang-daan ang Google na mag-link ng impormasyon tungkol sa iyong aktibidad mula sa site o app na iyon sa aktibidad mula sa iba pang site o app na gumagamit ng aming mga serbisyo sa ad.
Makipag-ugnayan sa iyo
Ginagamit namin ang impormasyong kinokolekta namin, tulad ng iyong email address, upang direktang makipag-ugnayan sa iyo. Halimbawa, maaari kaming magpadala sa iyo ng notification kung may matukoy kaming kahina-hinalang aktibidad, tulad ng pagsubok na mag-sign in sa iyong Google Account mula sa isang hindi pangkaraniwang lokasyon. O maaari naming ipaalam sa iyo ang tungkol sa mga gagawing pagbabago o pagpapahusay sa aming mga serbisyo. At kung makikipag-ugnayan ka sa Google, magpapanatili kami ng tala ng iyong kahilingan upang makatulong na lutasin ang anumang isyung kinakaharap mo.
Protektahan ang Google, ang aming mga user, at ang publiko
Ginagamit namin ang impormasyon para makatulong na mapahusay ang pagiging ligtas at maaasahan ng aming mga serbisyo. Kabilang dito ang pagtukoy, pagpigil, at pagtugon sa panloloko, pang-aabuso, mga panganib sa seguridad, at mga teknikal na isyung posibleng makaapekto sa Google, sa aming mga user, o sa publiko.
Maaari kaming gumamit ng iba't ibang teknolohiya upang iproseso ang iyong impormasyon para sa mga layuning ito. Gumagamit kami ng mga naka-automate na system na nagsusuri sa iyong content upang mabigyan ka ng mga bagay tulad ng mga naka-customize na resulta ng paghahanap, mga naka-personalize na ad, o iba pang feature na iniakma sa kung paano mo ginagamit ang aming mga serbisyo. At sinusuri namin ang iyong content upang makatulong sa aming tumukoy ng pang-aabuso tulad ng spam, malware, at ilegal na content. Gumagamit din kami ng mga algorithm upang makakilala ng mga pattern sa data. Halimbawa, nakakatulong ang Google Translate sa mga tao na makipag-ugnayan sa iba't ibang wika sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga karaniwang pattern ng wika sa mga parilalang hinihiling mong isalin nito.
Maaari naming pagsama-samahin ang impormasyong kinokolekta namin sa lahat ng aming serbisyo at sa lahat ng iyong device para sa mga layuning inilalarawan sa itaas. Halimbawa, kung nanonood ka ng mga video ng mga tumutugtog ng gitara sa YouTube, maaari kang makakita ng ad para sa mga pag-aaral maggitara sa mga site na gumagamit ng aming mga produkto ng ad. Depende sa mga setting ng iyong account, maaaring iugnay sa personal na impormasyon mo ang iyong aktibidad sa iba pang site at app upang mapahusay ang mga serbisyo ng Google at ang mga ad na inihahatid ng Google.
Kung may email address mo o iba pang impormasyong nakakatukoy sa iyo ang ibang user, maaari naming ipakita sa kanila ang pampublikong impormasyon ng Google Account mo, tulad ng iyong pangalan at larawan. Halimbawa, nakakatulong ito sa mga tao na tukuyin ang email na nanggagaling sa iyo.
Hihingin namin ang iyong pahintulot bago gamitin ang impormasyon mo para sa layuning hindi nasasaklawan ng Patakaran sa Privacy na ito.
Iyong mga kontrol sa privacy
May mga pagpipilian ka hinggil sa impormasyong aming kinokolekta at kung paano ito ginagamit
Inilalarawan ng seksyong ito ang mga pangunahing kontrol para sa pamamahala sa iyong privacy sa lahat ng aming serbisyo. Maaari mo ring bisitahin ang Privacy Checkup, na nagbibigay ng pagkakataong suriin at isaayos ang mahahalagang setting ng privacy. Dagdag pa sa mga tool na ito, nag-aalok din kami ng mga partikular na setting ng privacy sa aming mga produkto — maaari kang matuto pa sa aming Gabay sa Privacy ng Produkto.
Pamamahala, pagsusuri, at pag-update ng iyong impormasyon
Kapag naka-sign in ka, maaari mong suriin at i-update ang impormasyon anumang oras sa pamamagitan ng pagbisita sa mga serbisyong ginagamit mo. Halimbawa, parehong idinisenyo ang Photos at Drive upang tulungan kang mamahala ng mga partikular na uri ng content na na-save mo sa Google.
Gumawa kami ng lugar para sa iyo upang suriin at kontrolin ang impormasyong nase-save sa Google Account mo. Kabilang sa iyong Google Account ang:
Mga kontrol sa privacy
Mga Kontrol ng Aktibidad
Magpasya kung anong mga uri ng aktibidad ang gusto mong ma-save sa iyong account. Halimbawa, kung na-on mo ang History sa YouTube, mase-save sa iyong account ang mga video na papanoorin mo at ang mga bagay na hahanapin mo para makakuha ka ng mas magagandang rekomendasyon at matandaan kung saan ka tumigil. At kung na-on mo ang Aktibidad sa Web at App, mase-save sa iyong account ang mga paghahanap at aktibidad mo mula sa iba pang serbisyo ng Google para makakuha ka ng mas naka-personalize na mga karanasan tulad ng mas mabibilis na paghahanap at higit pang kapaki-pakinabang na rekomendasyon sa app at content. Mayroon ding subsetting ang Aktibidad sa Web at App na nagbibigay-daan sa iyong kontrolin kung ang impormasyon tungkol sa iyong aktibidad sa iba pang site, app, at device na gumagamit ng mga serbisyo sa Google, tulad ng mga app na na-install at ginagamit mo sa Android, ay mase-save sa Google Account mo at magagamit para pahusayin ang mga serbisyo ng Google.
Pumunta sa Mga Kontrol ng Aktibidad
Mga setting ng ad
Pamahalaan ang iyong mga kagustuhan tungkol sa mga ipinapakita sa iyong ad sa Google at sa mga site at app na nakikipagsosyo sa Google upang magpakita ng mga ad. Maaari mong baguhin ang iyong mga interes, piliin kung gagamitin ang iyong personal na impormasyon upang gumawa ng mga ad na mas nauugnay sa iyo, at i-on o i-off ang ilang partikular na serbisyo ng pag-advertise.
Pumunta sa Ang Aking Ad Center
Tungkol sa iyo
Pamahalaan ang personal na impormasyon sa iyong Google Account at kontrolin kung sino ang puwedeng makakita nito sa mga serbisyo ng Google.
Mga nakabahaging pag-endorso
Piliin kung lalabas ang iyong pangalan at larawan sa tabi ng aktibidad mo, tulad ng mga review at rekomendasyon, na lumalabas sa mga ad.
Pumunta sa Mga Nakabahaging Pag-endorso
Mga site at app na gumagamit ng mga serbisyo ng Google
Pamahalaan ang impormasyong puwedeng ibahagi ng mga website at app na gumagamit ng mga serbisyo ng Google, tulad ng Google Analytics, sa Google kapag bumisita o nakipag-ugnayan ka sa mga serbisyo ng mga ito.
Mga paraan upang suriin at i-update ang iyong impormasyon
Aking Aktibidad
Nagbibigay-daan sa iyo ang Aking Aktibidad na suriin at kontrolin ang data na naka-save sa iyong Google Account kapag naka-sign in ka at gumagamit ka ng mga serbisyo ng Google, tulad ng mga paghahanap na ginawa mo o ang iyong mga pagbisita sa Google Play. Puwede kang mag-browse ayon sa petsa at paksa, at mag-delete ng bahagi o lahat ng iyong aktibidad.
Google Dashboard
Nagbibigay-daan sa iyo ang Google Dashboard na pamahalaan ang impormasyong nauugnay sa mga partikular na produkto.
Iyong personal na impormasyon
Pamahalaan ang iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan, gaya ng pangalan, email, at numero ng telepono mo.
Pumunta sa Personal na Impormasyon
Kapag naka-sign out ka, maaari mong pamahalaan ang impormasyong nauugnay sa iyong browser o device, kasama ang:
- Naka-sign out na pag-personalize ng paghahanap: Piliin kung gagamitin ang iyong aktibidad sa paghahanap upang mag-alok sa iyo ng mga mas may kaugnayang resulta at rekomendasyon.
- Mga setting ng YouTube: I-pause at i-delete ang iyong History ng Paghahanap sa YouTube at History ng Panonood sa YouTube.
- Mga Setting ng Ad: Pamahalaan ang iyong mga kagustuhan tungkol sa mga ad na ipinapakita sa iyo sa Google at sa mga site at app na nakikipagsosyo sa Google upang magpakita ng mga ad.
Pag-export, pag-aalis at pag-delete ng iyong impormasyon
Maaari kang mag-export ng kopya ng content sa iyong Google Account kung gusto mo itong i-back up o gamitin sa isang serbisyo sa labas ng Google.
Upang i-delete ang iyong impormasyon, maaari mong:
- I-delete ang iyong content mula sa mga partikular na serbisyo ng Google
- Maghanap at pagkatapos ay mag-delete ng mga partikular na item mula sa iyong account gamit ang Aking Aktibidad
- Mag-delete ng mga partikular na produkto ng Google, kasama ang iyong impormasyong nauugnay sa mga produktong iyon
- I-delete ang iyong buong Google Account
I-delete ang iyong impormasyon
Nagbibigay-daan sa iyo ang Inactive Account Manager na bigyan ng access ang ibang tao sa mga bahagi ng Google Account mo sakaling hindi mo magamit ang iyong account nang hindi inaasahan.
At panghuli, puwede mo ring hilinging mag-alis ng content sa mga partikular na serbisyo ng Google batay sa naaangkop na batas.
May iba pang paraan upang kontrolin ang impormasyong kinokolekta ng Google kung naka-sign in ka man o hindi sa isang Google Account, kasama ang:
- Mga setting ng browser: Halimbawa, maaari mong i-configure ang iyong browser upang isaad kung kailan nagtakda ang Google ng cookie sa browser mo. Maaari mo ring i-configure ang iyong browser na i-block ang lahat ng cookies mula sa isang partikular na domain o lahat ng domain. Ngunit tandaan na ang aming mga serbisyo ay dumedepende sa cookies upang gumana nang maayos, para sa mga bagay tulad ng pag-alala sa iyong mga kagustuhan sa wika.
- Mga setting sa antas ng device: Maaaring may mga kontrol ang iyong device na tumutukoy kung anong impormasyon ang kinokolekta namin. Halimbawa, maaari mong baguhin ang mga setting ng lokasyon sa iyong Android device.
Pagbabahagi ng iyong impormasyon
Kapag ibinahagi mo ang iyong impormasyon
Nagbibigay-daan sa iyo ang marami sa aming mga serbisyo na magbahagi ng impormasyon sa ibang tao, at may kontrol ka sa paraan mo ng pagbabahagi. Halimbawa, maaari kang magbahagi sa publiko ng mga video sa YouTube o maaari kang magpasya na gawing pribado ang iyong mga video. Tandaan, kapag nagbahagi ka ng impormasyon sa publiko maaaring ma-access ang iyong content sa pamamagitan ng mga search engine, kasama ang Google Search.
Kapag naka-sign in ka at nakipag-ugnayan sa ilang serbisyo ng Google, tulad ng pag-iiwan ng mga komento sa isang video sa YouTube o pag-review ng app sa Play, lalabas ang iyong pangalan at larawan sa tabi ng aktibidad mo. Puwede rin naming ipakita ang impormasyong ito sa mga ad depende sa iyong setting ng Mga nakabahaging pag-endorso.
Kapag ibinahagi ng Google ang iyong impormasyon
Hindi kami nagbabahagi ng personal na impormasyon sa mga kumpanya, organisasyon, o indibidwal sa labas ng Google maliban sa mga sumusunod na sitwasyon:
Mayroong iyong pahintulot
Magbabahagi kami ng personal na impormasyon sa labas ng Google kapag pinahintulutan mo kami. Halimbawa, kung gumagamit ka ng Google Home para magpareserba sa pamamagitan ng serbisyo sa pag-book, hihingin namin ang pahintulot mo bago ibahagi ang iyong pangalan o numero ng telepono sa restaurant. Bibigyan ka rin namin ng mga kontrol para suriin at pamahalaan ang mga third party na app at site na binigyan mo ng access sa data sa iyong Google Account. Hihingin namin ang iyong tahasang pahintulot na magbahagi ng anumang sensitibong personal na impormasyon.
Sa mga administrador ng domain
Kung isa kang mag-aaral o nagtatrabaho ka para sa isang organisasyong gumagamit ng mga serbisyo ng Google, magkakaroon ng access sa Google Account mo ang iyong administrator ng domain at mga reseller na namamahala sa account mo. Posibleng magawa nilang:
- I-access at panatilihin ang impormasyong naka-store sa iyong account, tulad ng email mo
- Tingnan ang mga istatiska hinggil sa iyong account, tulad kung gaano karaming app ang na-install mo
- Palitan ang password ng iyong account
- Suspindihin o wakasan ang iyong access sa account
- Tanggapin ang iyong impormasyon ng account upang matugunan ang naaangkop na batas, regulasyon, legal na proseso, o naipapatupad na kahilingan ng pamahalaan
- Paghigpitan ang iyong kakayahang i-delete o i-edit ang impormasyon mo o ang iyong mga setting ng privacy
Para sa panlabas na pagpoproseso
Nagbibigay kami ng personal na impormasyon sa aming mga affiliate at iba pang pinagkakatiwalaang negosyo o tao para iproseso ito para sa amin, batay sa aming mga tagubilin at alinsunod sa aming Patakaran sa Privacy at iba pang naaangkop na hakbang sa pagiging kumpidensyal at seguridad. Halimbawa, gumagamit kami ng mga service provider para makatulong sa pagpapatakbo ng aming mga data center, paghahatid ng aming mga produkto at serbisyo, pagpapahusay ng aming mga internal na proseso ng negosyo, at pag-aalok ng karagdagang suporta sa mga customer at user. Gumagamit din kami ng mga service provider para makatulong sa pagsusuri ng content ng video sa YouTube para sa kaligtasan ng publiko at pagsusuri at pakikinig sa mga sample ng naka-save na audio ng user para makatulong sa pagpapahuay ng mga teknolohiya sa pagkilala sa audio ng Google.
Para sa mga legal na kadahilan
Magbabahagi kami ng personal na impormasyon sa labas ng Google kung mayroon kaming magandang loob na paniniwalang makatwirang kinakailangan ang pag-access, paggamit, pagpapanatili, o paghahayag ng impormasyon upang:
- Matugunan ang anumang naaangkop na batas, regulasyon, legal na proseso o naipapatupad na kahilingan mula sa pamahalaan. Ibinabahagi namin ang impormasyon tungkol sa bilang at uri ng mga kahilingang natatanggap namin mula sa mga pamahalaan sa aming Transparency Report.
- Maipatupad ang naaangkop na Mga Tuntunin ng Serbisyo, kabilang ang pagsisiyasat sa mga potensyal na paglabag.
- Matukoy, maiwasan, o kaya ay matugunan ang panloloko, mga isyu sa seguridad, o mga teknikal na isyu.
- Magprotekta laban sa pinsala sa mga karapatan, ari-arian, o kaligtasan ng Google, aming mga user, o publiko ayon sa kinakailangan o pinapahintulutan ng batas.
Maaari kaming magbahagi ng impormasyong hindi nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan sa publiko at sa aming mga partner — tulad ng mga publisher, advertiser, developer, o may-ari ng mga karapatan. Halimbawa, nagbabahagi kami ng impormasyon sa publiko upang magpakita ng mga trend tungkol sa pangkalahatang paggamit ng aming mga serbisyo. Pinapayagan din namin ang mga partikular na partner na mangolekta ng impormasyon mula sa iyong browser o device para sa layunin ng pag-advertise at pagsukat gamit ang kanilang sariling cookies o mga katulad na teknolohiya.
Kung nauugnay ang Google sa isang merger, acquisition, o pagbenta ng mga asset, patuloy naming titiyakin ang pagiging kumpidensyal ng iyong personal na impormasyon at aabisuhan ang mga naapektuhang user bago maglipat ng personal na impormasyon o bago ito mapailalim sa ibang patakaran sa privacy.
Pagpapanatiling secure ng iyong impormasyon
Naglalapat kami ng seguridad sa aming mga serbisyo upang protektahan ang iyong impormasyon
Ang lahat ng produkto ng Google ay nilalapatan ng mahuhusay na panseguridad na feature na patuloy na nagpoprotekta sa iyong impormasyon. Nakakatulong sa amin ang mga insight na nakuha namin mula sa pagpapanatili ng aming mga serbisyo na tumukoy at awtomatikong mag-block ng mga banta sa seguridad, nang hindi na makaapekto pa sa iyo. At kung may matukoy kaming mapanganib na bagay na sa palagay namin ay dapat mong malaman, aabisuhan ka namin at gagabayan sa mga hakbang upang manatiling mas mahusay na napoprotektahan.
Lubos kaming nagsusumikap na protektahan ka at ang Google mula sa mga hindi pinapahintulutang pag-access, pagbago, pagbubunyag o pagsira ng impormasyong hawak namin, kabilang ang:
- Gumagamit kami ng pag-encrypt upang panatilihing pribado ang iyong data habang ipinapadala
- Nag-aalok kami ng iba't ibang panseguridad na feature, tulad ng Ligtas na Pag-browse, Pagsuri sa Seguridad, at 2-step na Pag-verify upang matulungan kang protektahan ang iyong account
- Sinusuri namin ang aming mga kasanayan sa pangongolekta, pag-store, at pagproseso ng impormasyon, kasama na ang mga hakbang sa pisikal na seguridad, upang pigilan ang hindi pinapahintulutang pag-access sa aming mga system
- Pinaghihigpitan namin ang pag-access sa personal na impormasyon sa mga empleyado ng Google, contractor, at ahente na kailangan ang impormasyong iyon upang maproseso ito. Napapailalim sa mahihigpit na obligasyon sa pagiging kumpidensyal ang sinumang may ganitong access at maaaring maparusahan o matanggal kung hindi nila matutugunan ang mga obligasyong ito.
Pag-export at pag-delete ng iyong impormasyon
Maaari kang mag-export ng kopya ng iyong impormasyon o i-delete ito mula sa Google Account mo anumang oras
Maaari kang mag-export ng kopya ng content sa iyong Google Account kung gusto mo itong i-back up o gamitin sa isang serbisyo sa labas ng Google.
Upang i-delete ang iyong impormasyon, maaari mong:
- I-delete ang iyong content mula sa mga partikular na serbisyo ng Google
- Maghanap at pagkatapos ay mag-delete ng mga partikular na item mula sa iyong account gamit ang Aking Aktibidad
- Mag-delete ng mga partikular na produkto ng Google, kasama ang iyong impormasyong nauugnay sa mga produktong iyon
- I-delete ang iyong buong Google Account
I-delete ang iyong impormasyon
Pagpapanatili ng iyong impormasyon
Pinapanatili namin ang kinokolekta naming data sa loob ng iba't ibang yugto ng panahon depende kung ano ito, kung paano namin ito ginagamit, at kung paano mo iko-configure ang iyong mga setting:
- May ilang data na made-delete mo kahit kailan mo gusto, tulad ng iyong personal na impormasyon o ang content na ginawa o na-upload mo, tulad ng mga larawan at dokumento. Magagawa mo ring mag-delete ng impormasyon ng aktibidad na naka-save sa iyong account, o piliing ipa-delete ito nang awtomatiko pagkalipas ng nakatakdang yugto ng panahon. Papanatilihin namin ang data na ito sa iyong Google Account hanggang sa alisin mo ito o piliin mong ipaalis ito.
- Awtomatikong dine-delete o ina-anonymize ang iba pang data pagkalipas ng nakatakdang yugto ng panahon, gaya ng data ng pag-advertise sa mga log sa server.
- Pinapanatili namin ang ilang data hanggang sa i-delete mo ang iyong Google Account, tulad ng impormasyon tungkol sa dalas ng paggamit mo sa aming mga serbisyo.
- At ilang data na pinapanatili namin sa loob ng mas mahahabang yugto ng panahon kapag kinakailangan para sa mga lehitimong pangnegosyo o legal na layunin, tulad ng seguridad, pag-iwas sa panloloko at pang-aabuso, o pagtatala kaugnay ng pananalapi.
Kapag nag-delete ka ng data, may sinusunod kaming proseso ng pag-delete para matiyak na ligtas at tuluyang maaalis ang iyong data sa aming mga server o mapapanatili lang ito sa naka-anonymize na anyo. Sinusubukan naming tiyakin na pinoprotektahan ng aming mga serbisyo ang impormasyon laban sa hindi sinasadya o nakakapinsalang pag-delete. Dahil dito, posibleng may mga pagkaantala kapag nag-delete ka ng isang bagay at kapag na-delete ang mga kopya sa aming mga aktibo at backup na system.
Puwede kang magbasa pa tungkol sa mga panahon ng pagpapanatili ng data ng Google, kasama na kung gaano katagal bago namin ma-delete ang iyong impormasyon.
Pagsunod at pakikipagtulungan sa mga regulator
Regular naming sinusuri ang Patakaran sa Privacy na ito at tinitiyak na pinoproseso namin ang iyong impormasyon sa mga paraang sumusunod dito.
Mga paglipat ng data
Nagpapanatili kami ng mga server sa buong mundo at posibleng iproseso ang iyong impormasyon sa mga server sa labas ng bansa kung saan ka nakatira. Magkakaiba sa bawat bansa ang mga batas sa pagprotekta ng data, kung saan nagbibigay ng mas maigting na proteksyon ang ilan kumpara sa iba. Kahit saan man pinoproseso ang iyong impormasyon, inilalapat namin ang parehong mga proteksyong inilalarawan sa patakarang ito. Sumusunod din kami sa ilang partikular na legal na framework na nauugnay sa paglilipat ng data.
Kapag nakatanggap kami ng mga pormal na nakasulat na reklamo, tumutugon kami sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa taong nagsampa ng reklamo. Nakikipagtulungan kami sa mga naaangkop na awtoridad na nagre-regulate, kabilang ang mga lokal na awtoridad sa pagprotekta ng data, upang resolbahin ang anumang reklamo hinggil sa paglipat ng iyong data na hindi namin mareresolba nang direkta sa iyo.
Mga kinakailangan ng batas sa estado ng U.S.
May ilang batas sa privacy ng mga estado ng U.S. na nag-aatas ng mga partikular na paghahayag.
Idinisenyo ang Patakaran sa Privacy na ito para matulungan kang maunawaan kung paano pinapangasiwaan ng Google ang iyong impormasyon:
- Ipinapaliwanag namin ang mga kategorya ng impormasyong kinokolekta ng Google at ang mga source ng impormasyong iyon sa Impormasyong kinokolekta ng Google.
- Ipinapaliwanag namin ang mga layunin kung para saan nangongolekta at gumagamit ang Google ng impormasyon sa Bakit nangongolekta ng data ang Google.
- Ipinapaliwanag namin kung kailan posibleng maghayag ng impormasyon ang Google sa Pagbabahagi ng iyong impormasyon. Hindi ibinebenta ng Google ang iyong personal na impormasyon. Hindi rin “ibinabahagi” ng Google ang iyong personal na impormasyon ayon sa pagbibigay-kahulugan ng California Consumer Privacy Act (CCPA) sa terminong iyon.
- Ipinapaliwanag namin kung paano pinapanatili ng Google ang impormasyon sa Pagpapanatili ng iyong impormasyon. Puwede ka ring matuto pa tungkol sa kung paano ina-anonymize ng Google ang data. Gaya ng inilarawan doon, kapag ina-anonymize ng Google ang data para protektahan ang iyong privacy, nagpapanatili kami ng mga patakaran at teknikal na hakbang para maiwasang matukoy ulit ang impormasyong iyon.
Nagbibigay rin ang mga batas sa privacy ng mga estado ng U.S. ng karapatang humiling ng impormasyon tungkol sa kung paano kinokolekta, ginagamit, at ihinahayag ng Google ang iyong impormasyon. At binibigyan ka ng karapatan ng mga ito na i-access ang iyong impormasyon, kung minsan, sa portable na format; iwasto ang impormasyon mo; at hilingin sa Google na i-delete ang impormasyong iyon. Ibinibigay rin ng marami sa mga batas na ito ang karapatang mag-opt out sa ilang partikular na anyo ng pag-profile at naka-target na pag-advertise. Ibinibigay rin ng mga ito ang karapatang hindi madiskrimina dahil sa paggamit sa mga karapatan sa privacy na ito. Panghuli, itinuturing na sensitibo ng CCPA ang ilang partikular na uri ng impormasyon, tulad ng data sa kalusugan; kapag ibinigay ng mga user ang impormasyong ito, ginagamit lang ito ng Google para sa mga layuning pinapahintulutan ng CCPA, tulad ng pagbibigay ng mga serbisyong hinihingi at inaasahan ng aming mga user.
Inilalarawan namin ang mga pagpipilian mo para mapamahalaan ang iyong privacy at data sa lahat ng serbisyo ng Google sa Iyong mga kontrol sa privacy. Nagbibigay-daan sa iyo ang mga tool na ito na i-access, suriin, i-update, at i-delete ang impormasyon mo, pati na rin mag-export at mag-download ng kopya nito. Puwede mo ring kontrolin kung anong impormasyon ang puwede naming gamitin para magpakita sa iyo ng mga ad, o i-off ang mga naka-personalize na ad, sa pamamagitan ng pagbisita sa Ang Aking Ad Center.
Kapag ginamit mo ang mga tool na ito, iva-validate namin ang iyong kahilingan sa pamamagitan ng pag-verify na naka-sign in ka sa Google Account mo. Kung mayroon kang mga tanong o kahilingang nauugnay sa iyong mga karapatan sa ilalim ng mga batas sa privacy ng mga estado ng U.S., ikaw (o ang iyong pinapahintulutang ahente) ay puwede ring makipag-ugnayan sa Google. At kung hindi ka sumasang-ayon sa desisyon sa iyong kahilingan, puwede mong hilingin sa Google na pag-isipan ito ulit sa pamamagitan ng pagsagot sa aming email.
Nagbibigay rin kami ng higit pang impormasyon tungkol sa pangangasiwa ng Google sa mga kahilingan sa CCPA.
May ilang batas sa privacy ng mga estado ng U.S. na humihingi rin ng paglalarawan ng mga kagawian sa data gamit ang mga partikular na kategorya. Ginagamit ng talahanayang ito ang mga kategoryang ito para ayusin ang impormasyon sa Patakaran sa Privacy na ito.
Mga kategorya ng impormasyong kinokolekta namin
Mga pagkakakilanlan at iba pang impormasyon tulad ng iyong pangalan at password, numero ng telepono, at address, pati na rin ang mga natatanging identifier na nauugnay sa browser, application, o device na ginagamit mo. Nagbibigay ang ilang serbisyo ng Google tulad ng YouTube Studio ng opsyon na magsumite ng valid na ID (tulad ng passport o lisensya sa pagmamaneho) para i-verify ang iyong pagkakakilanlan para makagamit ng mga karagdagang feature.
Impormasyon ng demograpiko, gaya ng iyong edad, kasarian at wika. Kung pipiliin mong gumamit ng mga opsyonal na feature tulad ng Mga Demograpiko ng Creator sa YouTube, puwede ka ring magbigay ng karagdagang impormasyon, tulad ng iyong pagkakakilanlang kasarian o lahi at etnisidad.
Pangkomersyong impormasyon gaya ng iyong impormasyon sa pagbabayad at history ng mga pagbili na ginawa mo sa mga serbisyo ng Google.
Biometric na impormasyon kung pipiliin mong ibigay ito, gaya ng mga fingerprint sa mga pag-aaral sa pag-develop ng produkto ng Google.
Impormasyon ng internet, network, at iba pang aktibidad gaya ng iyong mga termino para sa paghahanap; mga panonood at interaction sa content at mga ad; History ng pag-browse sa Chrome na na-sync mo sa iyong Google Account; impormasyon tungkol sa interaction ng mga app, browser, at device mo sa aming mga serbisyo (tulad ng IP address, mga ulat ng pag-crash, at aktibidad ng system); at aktibidad sa mga third-party na site at app na gumagamit ng aming mga serbisyo. Puwede mong suriin at kontrolin ang data ng aktibidad na naka-store sa iyong Google Account sa Aking Aktibidad.
Data ng geolocation, gaya ng posibleng matukoy ng GPS, IP address, at iba pang data mula sa mga sensor sa o sa paligid ng iyong device, na nakadepende nang bahagya sa device at mga setting ng account mo. Depende sa mga setting na ito, puwedeng kasama rito ang data ng eksaktong lokasyon, halimbawa, data ng GPS para sa mga feature ng Android tulad ng navigation o paghahanap sa iyong telepono. Matuto pa tungkol sa paggamit ng Google ng impormasyon ng lokasyon.
Audio, electronic, at visual na impormasyon at impormasyong katulad ng mga ito, gaya ng impormasyon ng boses at audio.
Data ng mga komunikasyon, tulad ng mga email, kung ginagamit mo ang aming mga serbisyo para magpadala at makatanggap ng mga mensahe.
Impormasyon sa kalusugan kung pipiliin mong ibigay ito, tulad ng iyong kasaysayang medikal, vital signs at mga sukatan ng kalusugan (tulad ng mga antas ng glucose sa dugo), at iba pang katulad na impormasyong may kaugnayan sa iyong pisikal o mental na kalusugan, sa paggamit ng mga serbisyo ng Google na nag-aalok ng mga feature na may kaugnayan sa kalusugan, tulad ng Google Health Studies app.
Impormasyon tungkol sa propesyon, trabaho, at edukasyon, gaya ng impormasyong ibinibigay mo o na pinapanatili ng organisasyon kung saan ka nag-aaral o nagtatrabaho na gumagamit ng mga serbisyo ng Google.
Iba pang impormasyong ginagawa o ibinibigay mo, gaya ng content na ginagawa, ina-upload, o natatanggap mo (tulad ng mga larawan at video o email, doc at spreadsheet). Nagbibigay-daan sa iyo ang Google Dashboard na mamahala ng impormasyong nauugnay sa mga partikular na produkto.
Mga pahiwatig na makukuha mula sa mga nabanggit, tulad ng iyong mga kategorya ng interes sa mga ad.
Mga layunin ng negosyo kung saan puwedeng gamitin o ihayag ang impormasyon
Pagprotekta laban sa mga banta sa seguridad, pang-aabuso, at ilegal na aktibidad: Gumagamit at posibleng maghayag ng impormasyon ang Google para ma-detect, mapigilan, at matugunan ang mga insidente sa seguridad, at para magprotekta laban sa iba pang mapaminsala, mapanlinlang, mapanloko, o ilegal na aktibidad. Halimbawa, para protektahan ang aming mga serbisyo, posibleng tumanggap o maghayag ang Google ng impormasyon tungkol sa mga IP address na nakompromiso ng mga mapaminsalang kumikilos.
Pag-audit at pagsukat: Gumagamit ang Google ng impormasyon para sa analytics at pagsukat para maunawaan kung paano ginagamit ang aming mga serbisyo, pati na rin para matupad ang mga obligasyon sa aming mga partner tulad ng mga publisher, advertiser, developer, o may-ari ng karapatan. Posible kaming maghayag ng impormasyong hindi nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan sa publiko at sa mga partner na ito, kasama na para sa mga layunin ng pag-audit.
Pagpapanatili ng aming mga serbisyo: Gumagamit ang Google ng impormasyon para matiyak na gumagana ang aming mga serbisyo ayon sa inaasahan, gaya ng pagsubaybay ng mga outage o pag-troubleshoot ng mga bug at iba pang isyung iniuulat mo sa amin.
Pananaliksik at pag-develop: Gumagamit ng impormasyon ang Google para mapahusay ang aming mga serbisyo at para mag-develop ng mga bagong produkto, feature, at teknolohiyang nakakabuti sa aming mga user at sa publiko. Halimbawa, gumagamit kami ng impormasyong available sa publiko para makatulong na sanayin ang mga modelo ng AI ng Google at bumuo ng mga produkto at feature tulad ng Google Translate, Bard, at mga kakayahan ng Cloud AI.
Paggamit ng mga service provider: Nagbabahagi ang Google ng impormasyon sa mga service provider para magsagawa ng mga serbisyo sa ngalan namin, alinsunod sa aming Patakaran sa Privacy at iba pang naaangkop na hakbang sa pagiging kumpidensyal at seguridad. Halimbawa, puwede kaming umasa sa mga service provider para tumulong sa pagbibigay ng customer support.
Pag-advertise: Nagpoproseso ang Google ng impormasyon para makapagbigay ng pag-advertise, kasama ang mga online na identifier, aktibidad sa pag-browse at paghahanap, at impormasyon tungkol sa iyong lokasyon at mga pakikipag-ugnayan sa mga advertisement. Pinapanatili nitong libre ang mga serbisyo ng Google at marami sa mga website at serbisyo na ginagamit mo. Makokontrol mo kung anong impormasyon ang gagamitin namin para magpakita sa iyo ng mga ad sa pamamagitan ng pagpunta sa mga setting ng ad mo sa Ang Aking Ad Center.
Mga legal na dahilan: Gumagamit din ang Google ng impormasyon para makasunod sa mga naaangkop na batas o regulasyon, at naghahayag ito ng impormasyon bilang sagot sa legal na proseso o mga naipapatupad na kahilingan ng pamahalaan, kasama ang para sa pagpapatupad ng batas. Nagbibigay kami ng impormasyon tungkol sa dami at uri ng mga kahilingang natatanggap namin mula sa mga pamahalaan sa aming Transparency Report.
Mga party kung saan posibleng ihayag ang impormasyon
Iba pang tao kung saan pinipili mong ibahagi ang iyong impormasyon, tulad ng mga doc o larawan, at video o komento sa YouTube.
Mga third party na may pahintulot mo, tulad ng mga serbisyong nag-i-integrate sa mga serbisyo ng Google. Puwede mong suriin at pamahalaan ang mga third party app at site na may access sa data sa iyong Google Account.
Mga service provider, pinagkakatiwalaang negosyo o taong nagpoproseso ng impormasyon sa ngalan ng Google, batay sa aming mga tagubilin at alinsunod sa aming Patakaran sa Privacy at anupamang naaangkop na hakbang sa pagiging kumpidensyal at seguridad.
Mga administrator ng domain, kung nagtatrabaho o nag-aaral ka sa isang organisasyong gumagamit ng mga serbisyo ng Google.
Tagapagpatupad ng batas o iba pang third party, para sa mga legal na dahilang inilalarawan sa Pagbabahagi ng iyong impormasyon.
Tungkol sa patakarang ito
Kapag nalalapat ang patakarang ito
Nalalapat ang Patakaran sa Privacy na ito sa lahat ng serbisyong inaalok ng Google LLC at ng mga affiliate nito, kabilang ang YouTube, Android, at mga serbisyong inaalok sa mga site ng third-party, gaya ng serbisyo sa pag-advertise. Hindi nalalapat ang Pataran sa Privacy na ito sa mga serbisyong may mga hiwalay na patakaran sa privacy na hindi ginagamit ang Patakaran sa Privacy na ito.
Hindi nalalapat ang Patakaran sa Privacy na ito sa:
- Mga kasanayan sa impormasyon ng iba pang kumpanya at organisasyon na nag-a-advertise sa aming mga serbisyo
- Ang mga serbisyong iniaalok ng iba pang kumpanya o indibidwal, kasama ang mga produkto o site na iniaalok nila na posibleng kinabibilangan ng mga serbisyo ng Google kung saan nalalapat ang patakaran, o ang mga produkto o site na ipinakita sa iyo sa mga resulta ng paghahanap, o naka-link mula sa aming mga serbisyo
Mga pagbabago sa patakarang ito
Binabago namin ang Patakaran sa Privacy paminsan-minsan. Hindi namin babawasan ang iyong mga karapatan sa ilalim ng Patakaran sa Privacy na ito nang walang pahintulot mo. Palagi naming isinasaad ang petsa ng pag-publish ng mga huling pagbabago at nag-aalok kami ng access sa mga naka-archive na bersyon para sa iyong pagsusuri. Kung kapansin-pansin ang mga pagbabago, magbibigay kami ng mas kapansing-pansing abiso (kasama ang, para sa mga partikular na serbisyo, notification sa email ng mga pagbabago sa Patakaran sa Privacy).
Mga nauugnay na kasanayan sa privacy
Mga partikular na serbisyo ng Google
Nagbibigay ang mga sumusunod na abiso sa privacy ng karagdagang impormasyon tungkol sa ilang serbisyo ng Google:
- Payments
- Fiber
- Google Fi
- Google Workspace for Education
- Read Along
- YouTube Kids
- Mga Google Account na pinapamahalaan gamit ang Family Link, para sa mga batang wala pang 13 taong gulang (o wala pa sa naaangkop na edad sa iyong bansa)
- Gabay sa privacy ng Family Link para sa mga bata at teenager
- Pangongolekta ng Boses at Audio sa Mga Pambatang Feature sa Google Assistant
Kung miyembro ka ng isang organisasyong gumagamit ng Google Workspace o Google Cloud Platform, alamin kung paano kinokolekta at ginagamit ng mga serbisyong ito ang iyong personal na impormasyon sa Notification ng Privacy ng Google Cloud.
Iba pang kapaki-pakinabang na resource
Ang mga sumusunod na link ay nagha-highlight ng mga kapaki-pakinabang na resource para matutunan mo pa ang tungkol sa aming mga kasanayan at mga setting ng privacy.
- Matatagpuan sa iyong Google Account ang marami sa mga setting na maaari mong gamitin upang pamahalaan ang account mo
- Ginagabayan ka ng Privacy Checkup sa mga pangunahing setting ng privacy para sa iyong Google Account
- Sa safety center ng Google matutulungan kang matuto pa tungkol sa aming built-in na seguridad, mga kontrol sa privacy, at mga tool para makatulong sa pagtatakda ng mga digital na batayang panuntunan para sa iyong pamilya online.
- Ang Gabay sa Privacy para sa Teenager ng Google ay nagbibigay ng mga sagot sa ilan sa mga pinakamadalas itanong sa amin tungkol sa privacy
- Nagbibigay ang Privacy at Mga Tuntunin ng higit pang konteksto hinggil sa Patakaran sa Privacy na ito at sa aming Mga Tuntunin ng Serbisyo
- Kasama sa Mga Teknolohiya ang higit pang impormasyon tungkol sa:
- Paano gumagamit ang Google ng cookies
- Mga teknolohiyang ginagamit para sa Pag-advertise
- Paano ginagamit ng Google ang impormasyong mula sa mga site o app na gumagamit ng aming mga serbisyo
Mga pangunahing termino
Algorithm
Proseso o hanay ng mga panuntunang sinusunod ng computer sa pagsasagawa ng mga operasyon sa paglutas ng problema.
Cache ng data ng application
Ang cache ng data ng application ay imbakan ng data sa isang device. Maaari nitong bigyang-daan, halimbawa, ang isang web application na tumakbo nang walang koneksyon sa internet at pahusayin ang pagganap ng application sa pamamagitan ng pagbibigay-daan sa mas mabilis na paglo-load ng nilalaman.
Cookies
Ang cookie ay maliit na file na naglalaman ng isang string ng mga character na ipinapadala sa iyong computer kapag bumisita ka sa isang website. Kapag binisita mong muli ang site, nagbibigay-daan ang cookie na makilala ng site ang iyong browser. Maaaring mag-store ng mga kagustuhan ng user at iba pang impormasyon ang cookies. Maaari mong i-configure ang iyong browser na tanggihan ang lahat ng cookies o isaad kapag may ipinapadalang cookie. Gayunpaman, maaaring hindi gumana nang maayos ang ilang feature o serbisyo ng website kung walang cookies. Matuto pa kung paano gumagamit ng cookies ang Google at kung paano gumagamit ng data, kabilang ang cookies, ang Google kapag ginagamit mo ang mga site o app ng aming mga partner.
Device
Ang device ay computer na magagamit upang i-access ang mga serbisyo ng Google. Halimbawa, itinuturing na mga device ang mga desktop computer, tablet, smart speaker, at smartphone.
Google Account
Maaari mong i-access ang ilan sa aming mga serbisyo sa pamamagitan ng pag-sign up para sa Google Account at pagbibigay sa amin ng ilang personal na impormasyon (karaniwan ay ang iyong pangalan at email address at isang password). Ginagamit ang impormasyon ng account na ito upang i-authenticate ka kapag ina-access mo ang mga serbisyo ng Google at protektahan ang iyong account laban sa hindi awtorisadong pag-access ng iba. Maaari mong i-edit o i-delete ang iyong account anumang oras sa pamamagitan ng mga setting ng Google Account mo.
Hindi personal na nakapagpapakilalang impormasyon
Ito ang impormasyong itinatala tungkol sa mga user upang hindi na nito ipakita o tukuyin ang indibidwal na nakikilalang user.
IP address
Ang bawat device na nakakonekta sa Internet ay tinatakdaan ng numero na kilala bilang Internet protocol (IP) address. Karaniwang itinatakda ang mga numerong ito ayon sa mga heograpikong block. Maaaring madalas na gamitin ang isang IP address upang tukuyin ang lokasyon kung mula saan kumokonekta sa Internet ang isang device.
Mga Affiliate
Ang affiliate ay entity na napapabilang sa pangkat ng mga kumpanya ng Google, kabilang ang mga sumusunod na kumpanyang nagbibigay ng mga serbisyo sa consumer sa EU: Google Ireland Limited, Google Commerce Ltd, Google Payment Corp, at Google Dialer Inc. Matuto pa tungkol sa mga kumpanyang nagbibigay ng mga serbisyo sa negosyo sa EU.
Mga natatanging pagkikilanlan
Ang natatanging pagkikilanlan ay string ng mga character na maaaring gamitin upang natatanging tukuyin ang isang browser, app, o device. Iba-iba ang mga pagkikilanlan depende kung gaano kapermanente, kung mare-reset ng mga user, at kung paano maa-access ang mga ito.
Magagamit ang mga natatanging pagkikilanlan para sa iba't ibang layunin, kabilang ang seguridad at pag-detect ng panloloko, pag-sync ng mga serbisyo gaya ng inbox ng iyong email, pag-alala ng mga kagustuhan mo, at pagbibigay ng naka-personalize na pag-advertise. Halimbawa, nakakatulong ang mga natatanging pagkikilanlang naka-store sa cookies na maipakita ng mga site ang content sa iyong browser sa wikang gusto mo. Maaari mong i-configure ang iyong browser na tanggihan ang lahat ng cookies o isaad kapag may ipinapadalang cookie. Matuto pa kung paano gumagamit ng cookies ang Google.
Sa iba pang platform bukod sa mga browser, ginagamit ang mga natatanging pagkikilanlan upang tumukoy ng partikular na device o app sa device na iyon. Halimbawa, ginagamit ang natatanging pagkikilanlan gaya ng Advertising ID upang makapagbigay ng may kaugnayang pag-advertise sa mga Android device, at maaari itong pamahalaan sa mga setting ng iyong device. Maaari ring maglagay ng mga natatanging pagkikilanlan ang manufacturer sa isang device (paminsan-minsan itong tinatawag na universally unique ID o UUID), gaya ng IMEI-number ng mobile phone. Halimbawa, maaaring gamitin ang natatanging pagkikilanlan ng isang device upang i-customize ang aming serbisyo para sa iyong device, o suriin ang mga isyung nauugnay sa mga serbisyo namin sa device.
Mga Tala sa server
Tulad ng karamihan ng mga website, awtomatikong itinatala ng aming mga server ang mga kahilingan ng pahinang nagagawa kapag binibisita mo ang aming mga site. Karaniwang isinasama ng “mga tala sa server” na mga ito ang iyong web request, Internet Protocol address, uri ng browser, wika ng browser, ang petsa at oras ng iyong hiling at isa o higit pang mga cookies na maaaring natatanging makakilala ng iyong browser.
Ganito ang hitsura ng karaniwang entry sa log para sa paghahanap ng “mga kotse”:
123.45.67.89 - 25/Mar/2003 10:15:32 -
http://www.google.com/search?q=cars -
Firefox 1.0.7; Windows NT 5.1 -
740674ce2123e969
123.45.67.89
ang Internet Protocol address na itinatalaga ng ISP ng user sa user. Depende sa serbisyo ng user, maaaring ibang address ang italaga ng service provider ng user sa kanya sa tuwing kokonekta siya sa Internet.25/Mar/2003 10:15:32
ang petsa at oras ng query.http://www.google.com/search?q=cars
ang hiniling na URL, kabilang ang query sa paghahanap.Firefox 1.0.7; Windows NT 5.1
ang ginagamit na browser at operating system.740674ce2123a969
ang natatanging cookie ID na itinalaga sa partikular na computer na ito noong una itong bumisita sa Google. (Maaaring i-delete ng mga user ang cookies. Kung na-delete ng user sa computer ang cookie mula noong huli siyang bumisita sa Google, ito ang natatanging cookie ID na itatalaga sa kanyang device sa susunod na bumisita siya sa Google mula sa partikular na device na iyon).
Personal na impormasyon
Ito ay impormasyong ibinibigay mo sa amin, na nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan mo, gaya ng iyong pangalan, email address, o impormasyon sa pagsingil, o iba pang data na makatuwirang mali-link ng Google sa ganitong impormasyon, gaya ng impormasyong iniuugnay namin sa Google Account mo.
Pixel tag
Ang pixel tag ay uri ng teknolohiyang inilalagay sa website o sa nilalaman ng email upang sumubaybay ng partikular na aktibidad, gaya ng mga pagtingin sa website o kapag binuksan ang isang email. Kadalasang ginagamit ang mga pixel tag kasabay ng cookies.
Referrer URL
Ang Referrer URL (Uniform Resource Locator) ay impormasyong inililipat ng web browser sa isang patutunguhang webpage, kadalasan kapag nag-click ka ng link papunta sa page na iyon. Kasama sa Referrer URL ang URL ng huling webpage na binisita ng browser.
Sensitibong personal na impormasyon
Isa itong partikular na kategorya ng personal na impormasyon na nauugnay sa mga paksa gaya ng mga kumpidensyal na medikal na impormasyon, mga pinagmulang lahi o pangkat etniko, mga paniniwala sa pulitika o relihiyon, o sekswalidad.
Web storage ng browser
Nagbibigay-daan ang web storage ng browser na makapag-store ng data sa browser sa isang device ang mga website. Kapag ginagamit sa mode na "lokal na storage," ine-enable nito ang pag-store ng data sa maraming session. Sa pamamagitan nito, makukuha ang data kahit pagkatapos isara at muling buksan ang browser. Ang HTML 5 ay isang teknolohiyang nangangasiwa ng web storage.
Karagdagang Konteksto
aming mga user
Halimbawa, para pigilan ang pang-aabuso at pahusayin ang transparency at pananagutan sa aming mga kagawian sa pamamahala ng online na content, ibinabahagi ng Google ang data tungkol sa mga kahilingan sa pag-aalis ng content sa aming mga serbisyo sa Lumen, na nagkokolekta at nagsusuri sa mga kahilingang ito para pangasiwaan ang pananaliksik na tutulong sa mga user ng Internet na maunawaan ang kanilang mga karapatan. Matuto pa.
Android device na may mga Google app
Kasama sa mga android device na may mga Google app ang mga device na ibinebenta ng Google o ng isa sa aming mga partner at pati na rin ang mga telepono, camera, sasakyan, nasusuot, at telebisyon. Gumagamit ang mga device na ito ng Mga Serbisyo ng Google Play at iba pang naka-pre install na app na may mga serbisyong tulad ng Gmail, Maps, camera ng iyong telepono at dialer ng telepono, text-to-speech conversion, keyboard input, at mga panseguridad na feature. Matuto pa tungkol sa Mga Serbisyo ng Google Play.
ang mga taong pinakamahalaga sa iyo online
Halimbawa, kapag nag-type ka ng address sa field na Para kay, Cc, o Bcc ng email na ginagawa mo, magmumungkahi ang Gmail ng mga address batay sa mga taong pinakamadalas mong nakakaugnayan.
Data ng sensor mula sa iyong device
Maaaring may mga sensor ang iyong device na maaaring gamitin upang mas maunawaan ang lokasyon at paggalaw mo. Halimbawa, maaari kang gumamit ng accelerometer upang matukoy ang iyong bilis at ng gyroscope upang malaman ang direksyon ng paglalakbay mo.
dumedepende sa cookies upang gumana nang maayos
Halimbawa, gumagamit kami ng cookie na tinatawag na ‘lbcs’ kung saan ginagawang posible para sa iyo na magbukas ng maraming Google Docs sa isang browser. Kapag na-block ang cookie na ito, ang Google Docs ay hindi gagana tulad ng inaasahan. Matuto pa
gumawa ng mga pagpapahusay
Halimbawa, ginagamit namin ang cookies upang suriin kung paano nakikipag-ugnayan ang mga tao sa aming mga serbisyo. At makakatulong sa amin ang pagsusuring iyon na makabuo ng mas mahuhusay na produkto. Halimbawa, maaari itong makatulong sa amin na matuklasang masyadong natatagalan ang mga tao sa pagkumpleto ng isang partikular na gawain o na nagkakaproblema talaga sila sa pagtapos sa mga hakbang. Maaari naming idisenyong muli ang feature na iyon at pahusayin ang produkto para sa lahat.
ihatid ang aming mga serbisyo
Kabilang sa mga halimbawa kung paano namin ginagamit ang iyong impormasyon upang maihatid ang aming mga serbisyo ang:
- Ginagamit namin ang IP address na nakatalaga sa iyong device upang ipadala sa iyo ang data na hiniling mo, gaya ng pag-load ng video sa YouTube
- Ginagamit namin ang mga natatanging pagkikilanlang naka-store sa cookies sa iyong device upang matulungan kaming mapatotohanang ikaw ang taong dapat na may access sa Google Account mo
- Ang mga larawan at video na ina-upload mo sa Google Photos ay ginagamit upang matulungan kang gumawa ng mga album, animation, at iba pang gawa na maaari mong ibahagi. Matuto pa
- Ang isang email ng kumpirmasyon ng flight na iyong matatanggap ay maaaring gamitin upang gumawa ng button na “mag-check in” na lalabas sa iyong Gmail.
- Kapag bumili ka ng mga serbisyo o aktwal na produkto sa amin, maaari kang magbigay sa amin ng impormasyon tulad ng iyong address sa pagpapadala o mga tagubilin sa paghahatid. Ginagamit namin ang impormasyong ito para sa mga bagay tulad ng pagpoproseso, pagbibigay, at paghahatid ng iyong order, at sa pagbibigay ng suporta kaugnay ng produkto o serbisyong bibilhin mo.
Impormasyon ng boses at audio
Halimbawa, puwede mong piliin kung gusto mong mag-save ang Google ng recording ng audio sa iyong Google Account kapag nakikipag-ugnayan ka sa Google Search, Assistant, at Maps. Kapag naka-detect ang iyong device ng command sa pag-activate ng audio, tulad ng “Hey Google,” ire-record ng Google ang boses at audio mo pati na rin ang ilang segundo bago ang pag-activate. Matuto pa
impormasyon sa pagbabayad
Halimbawa, kung magdaragdag ka ng credit card o iba pang paraan ng pagbabayad sa iyong Google Account, maaari mo itong gamitin upang bumili ng mga bagay sa lahat ng aming serbisyo, tulad ng mga app sa Play Store. Maaari din kaming humingi ng iba pang impormasyon, tulad ng business tax ID, upang matulungan kang maproseso ang iyong pagbabayad. Sa ilang pagkakataon, maaari din naming kailanganing i-verify ang iyong pagkakakilanlan at maaari din kaming humingi sa iyo ng impormasyon upang magawa ito.
Maaari din naming gamitin ang impormasyon sa pagbabayad upang i-verify na natutugunan mo ang mga kinakailangan sa edad, kung, halimbawa, naglagay ka ng maling kaarawan na nagsasaad na wala ka pa sa hustong gulang upang magkaroon ng Google Account. Matuto pa
impormasyon tungkol sa mga bagay na malapit sa iyong device
Kung ginagamit mo ang mga serbisyo ng Lokasyon ng Google sa Android, maaari naming pahusayin ang performance ng mga app na dumedepende sa iyong lokasyon, tulad ng Google Maps. Kung ginagamit mo ang mga serbisyo ng Lokasyon ng Google, nagpapadala ang iyong device ng impormasyon sa Google tungkol sa lokasyon, mga sensor (tulad ng accelerometer), at mga kalapit na cell tower at Wi-Fi access point (tulad ng MAC address at lakas ng signal) nito. Nakakatulong ang lahat ng bagay na ito na matukoy ang iyong lokasyon. Maaari mong gamitin ang mga setting ng iyong device upang i-enable ang mga serbisyo ng Lokasyon ng Google. Matuto pa
iyong aktibidad sa iba pang site at app
Maaaring magmula ang aktibidad na ito sa iyong paggamit sa mga serbisyo ng Google, tulad ng pag-sync ng account mo sa Chrome o pagbisita mo sa mga site at app na nakikipagsosyo sa Google. Maraming website at app ang nakikipagsosyo sa Google upang pahusayin ang kanilang content at mga serbisyo. Halimbawa, maaaring gamitin ng isang website ang aming mga serbisyo sa pag-a-advertise (tulad ng AdSense) o mga tool sa analytics (tulad ng Google Analytics), o maaaring mag-embed ito ng iba pang content (tulad ng mga video mula sa YouTube). Maaaring magbahagi ang mga serbisyong ito ng impormasyon tungkol sa iyong aktibidad sa Google at, depende sa mga setting ng account mo at mga produktong ginagamit (halimbawa, kapag ang isang partner ay gumagamit ng Google Analytics kasabay ng aming mga serbisyo sa pag-advertise), maaaring iugnay sa iyong personal na impormasyon ang data na ito.
Matuto nang higit pa tungkol sa kung paano ginagamit ng Google ang data kapag ginamit mo ang mga site o app ng aming mga kasosyo.
kaligtasan at pagiging maasahan
Kabilang sa ilang halimbawa kung paano namin ginagamit ang iyong impormasyon upang makatulong na panatilihing ligtas at maaasahan ang aming serbisyo ang:
- Pagkolekta at pagsusuri ng mga IP address at data ng cookie upang maprotektahan laban sa naka-automate na pang-aabuso. Maraming uri ang pang-aabusong ito, tulad ng pagpapadala ng spam sa mga user ng Gmail, pagnanakaw ng pera mula sa mga advertiser sa pamamagitan ng mapanlinlang na pagpindot sa mga ad, o pag-censor ng content sa pamamagitan ng paglulunsad ng pag-atakeng Distributed Denial of Service (DDoS).
- Maaaring makatulong sa iyo ang feature na “huling aktibidad ng account” sa Gmail na malaman kung may nag-access sa email mo at kapag may nag-access nito nang hindi mo nalalalaman. Ipinapakita sa iyo ng feature na ito ang impormasyon tungkol sa kamakailang aktibidad sa Gmail, gaya ng mga IP address na nag-access sa mail mo, nauugnay na lokasyon, at oras at petsa ng pag-access. Matuto pa
legal na proseso o naipapatupad na kahilingan mula sa pamahalaan
Gaya ng iba pang kumpanya ng teknolohiya at komunikasyon, regular na nakakatanggap ang Google ng mga kahilingan mula sa mga pamahalaan at hukuman sa buong mundo na ihayag ang data ng user. Ang pagsasaalang-alang sa privacy at seguridad ng data na sino-store mo sa Google ay nagpapatibay sa aming diskarte sa pagsunod sa mga legal na kahilingang ito. Sinusuri ng aming legal team ang bawat kahilingan, anuman ang uri, at kadalasan naming tinatanggihan ang mga kahilingan na masyadong malawak o hindi sumusunod sa tamang proseso. Matuto pa sa aming Transparency Report.
maaaring mag-link ng impormasyon
Umaasa sa first-party na cookies ang Google Analytics, na nangangahulugang itinakda ng customer ng Google Analytics ang cookies. Gamit ang aming mga system, ang data na binuo sa pamamagitan ng Google Analytics ay maaaring iugnay ng customer ng Google Analytics at ng Google sa cookies ng third-party na nauugnay sa mga pagbisita sa iba pang website. Halimbawa, maaaring gusto ng isang advertiser na gamitin ang data ng Google Analytics nito upang gumawa ng mga mas may kaugnayang ad, o upang higit pang suriin ang trapiko nito. Matuto pa
magpakita ng mga trend
Kapag nagsimulang maghanap ng isang bagay ang maraming tao, maaari itong makapagbigay ng kapaki-pakinabang na impormasyon tungkol sa mga partikular na trend sa panahong iyon. Sina-sample ng Google Trends ang mga paghahanap sa web gamit ang Google upang tantyahin ang kasikatan ng mga paghahanap sa isang partikular na panahon at ibinabahagi nito ang mga resultang iyon sa publiko sa pamamagitan ng mga pinagsama-samang termino. Matuto pa
makisosyo sa Google
May mahigit sa 2 milyong hindi Google na website at app na nakikipagsosyo sa Google upang magpakita ng mga ad. Matuto pa
mga ad na magiging lubos na kapaki-pakinabang sa iyo
Halimbawa, kung manonood ka ng mga video tungkol sa pag-bake sa YouTube, maaari kang makakita ng higit pang ad na nauugnay sa pag-bake habang nagba-browse ka sa web. Maaari din naming gamitin ang iyong IP address upang tukuyin ang iyong tinatantiyang lokasyon, upang makapaghatid kami sa iyo ng mga ad para sa isang kalapit na nagde-deliver ng pizza kung maghahanap ka ng “pizza.” Matuto pa tungkol sa mga Google ad at kung bakit maaari kang makakita ng mga partikular na ad.
Mga batas sa privacy ng mga estado ng U.S.
Kasama sa mga batas na ito ang:
- California Consumer Privacy Act (CCPA);
- Virginia Consumer Data Protection Act (VCDPA);
- Colorado Privacy Act (CPA);
- Connecticut Act Concerning Personal Data Privacy and Online Monitoring (CTDPA); at
- Utah Consumer Privacy Act (UCPA)
mga device
Halimbawa, maaari naming gamitin ang impormasyong mula sa iyong mga device upang matulungan kang magpasya kung aling device ang gusto mong gamitin upang mag-install ng app o panoorin ang pelikulang binili mo mula sa Google Play. Ginagamit din namin ang impormasyong ito upang makatulong na protektahan ang iyong account.
mga naka-customize na resulta ng paghahanap
Halimbawa, kapag naka-sign in ka sa iyong Google Account at na-enable mo ang kontrol ng Aktibidad sa Web at App, maaari kang makakuha ng mga mas may kaugnayang resulta ng paghahanap na nakabatay sa iyong mga nakaraang paghahanap at aktibidad mula sa iba pang serbisyo ng Google. Maaari kang matuto pa rito. Maaari ka ring makakuha ng mga naka-customize na resulta ng paghahanap kahit na naka-sign out ka. Kung hindi mo gusto ang ganitong antas ng pag-customize ng paghahanap, maaari kang maghanap o mag-browse nang pribado o i-off ang naka-sign out na pag-personalize ng paghahanap.
mga naka-personalize na ad
Maaari ka ring makakita ng mga naka-personalize na ad batay sa impormasyon mula sa advertiser. Kung may binili ka sa website ng isang advertiser, halimbawa, maaari nilang gamitin ang impormasyon sa pagbisita na iyon upang magpakita sa iyo ng mga ad. Matuto pa
Mga pagtingin at pakikipag-ugnayan sa content at mga ad
Halimbawa, kinokolekta namin ang impormasyon tungkol sa mga pagtingin at pakikipag-ugnayan sa mga ad upang makapagbigay kami ng pinagsama-samang ulat sa mga advertiser, tulad ng pagsasabi sa kanila kung naihatid namin ang kanilang ad sa isang page at kung malamang na may tumingin sa ad. Maaari din naming sukatin ang iba pang pakikipag-ugnayan, gaya kung paano mo itinatapat ang iyong mouse sa isang ad o kung nakikipag-ugnayan ka sa page kung saan lumalabas ang ad.
mga partikular na partner
Halimbawa, pinapayagan namin ang mga creator at advertiser sa YouTube na makipagtulungan sa mga kumpanya sa pagsusukat upang matuto tungkol sa audience ng kanilang mga video o ad sa YouTube, gamit ang cookies o mga katulad na teknolohiya. Isa pang halimbawa ay ang mga merchant sa aming mga page ng pamimili, na gumagamit ng cookies upang maunawaan kung ilang iba't ibang tao ang nakakakita sa kanilang mga listing ng produkto. Matuto pa tungkol sa mga kasosyong ito at kung paano nila ginagamit ang iyong impormasyon.
mga partikular na serbisyo ng Google
Halimbawa, maaari mong i-delete ang iyong blog mula sa Blogger o ang isang Google Site na pagmamay-ari mo mula sa Google Sites. Maaari mo ring i-delete ang mga review na iniwan mo sa mga app, laro, at iba pang content sa Play Store.
mga sensitibong kategorya
Kapag nagpapakita sa iyo ng mga naka-personalize na ad, ginagamit namin ang mga paksang sa palagay namin ay maaaring kinaiinteresan mo batay sa aktibidad mo. Halimbawa, maaari kang makakita ng mga ad para sa mga bagay tulad ng "Pagluluto at Mga Recipe" o "Paglalakbay sa Himpapawid.” Hindi kami gumagamit ng mga paksa o nagpapakita ng mga naka-personalize na ad batay sa mga sensitibong kategorya tulad ng lahi, relihiyon, sekswal na oryentasyon, o kalusugan. At gayundin ang hinihiling namin mula sa mga advertiser na gumagamit ng aming mga serbisyo.
mga serbisyo sa pag-advertise at pananaliksik sa ngalan nila
Halimbawa, maaaring mag-upload ng data ang mga advertiser mula sa kanilang mga programa ng loyalty card upang mas maunawaan nila ang performance ng kanilang mga ad campaign. Nagbibigay lang kami sa mga advertiser ng pinagsama-samang ulat na hindi nagbubunyag ng impormasyon tungkol sa mga indibiwal na tao.
mga serbisyo upang makatawag at makatanggap ng mga tawag o magpadala at makatanggap ng mga mensahe
Kasama sa mga halimbawa ng mga serbisyong ito ang:
- Google Voice, para sa pagtawag at pagtanggap ng mga tawag, pagpapadala ng mga text message, at pamamahala ng voicemail
- Google Meet, para sa paggawa at pagtanggap ng mga video call
- Gmail, para sa pagpapadala at pagtanggap ng mga email
- Google Chat, para sa pagpapadala at pagtanggap ng mga mensahe
- Google Duo, para sa paggawa at pagtanggap ng mga video call, at pagpapadala at pagtanggap ng mga mensahe
- Google Fi, para sa plan sa telepono
mga server sa buong mundo
Halimbawa, nagpapatakbo kami ng mga data center na matatagpuan sa buong mundo upang makatulong na patuloy na mapanatiling available sa mga user ang aming mga produkto.
mga source na naa-access ng publiko
Halimbawa, puwede kaming mangolekta ng impormasyong available sa publiko online o mula sa iba pang pampublikong source para tulungang masanay ang mga modelo ng AI ng Google at makabuo ng mga produkto at feature tulad ng Google Translate, Bard, and mga kakayahan ng Cloud AI. O kaya, kung lumalabas ang impormasyon ng iyong negosyo sa isang website, puwede naming i-index at ipakita ito sa mga serbisyo ng Google.
mga third party
Halimbawa, pinoproseso namin ang iyong impormasyon upang iulat ang mga istatistika sa paggamit sa mga may-ari ng mga karapatan tungkol sa kung paano ginamit sa aming mga serbisyo ang kanilang content. Maaari din naming iproseso ang iyong impormasyon kung hinahanap ng mga tao ang pangalan mo at nagpapakita kami ng mga resulta ng paghahanap para sa mga site na naglalaman ng impormasyon tungkol sa iyo na available sa publiko.
naka-sync sa iyong Google Account
Sine-save lang ang iyong history ng pag-browse sa Chrome sa account mo kung na-enable mo ang pag-synchronize ng Chrome sa iyong Google Account. Matuto pa
numero ng telepono
Kung magdaragdag ka ng iyong numero ng telepono sa account mo, maaari itong gamitin sa iba't ibang layunin sa lahat ng serbisyo ng Google, depende sa iyong mga setting. Halimbawa, maaaring gamitin ang iyong numero ng telepono upang tulungan kang ma-access ang account mo kung makalimutan mo ang iyong password, tulungan ang mga taong mahanap ka at makipag-ugnayan sa iyo, at gawing mas nauugnay sa iyo ang mga nakikita mong ad. Matuto pa
pagsamahin ang impormasyong kinokolekta namin
Kabilang ang mga sumusunod sa ilang halimbawa kung paano namin pinagsasama-sama ang impormasyong kinokolekta namin:
- Kapag naka-sign in ka sa iyong Google Account at naghahanap ka sa Google, maaari kang makakita ng mga resulta ng paghahanap mula sa pampublikong web, pati na rin ng may kaugnayang impormasyon mula sa content na mayroon ka sa iba pang produkto ng Google, tulad ng Gmail o Google Calendar. Maaaring kasama rito ang mga bagay tulad ng status ng iyong mga paparating na flight, pagpapareserba sa restaurant at hotel, o mga larawan mo. Matuto pa
- Kung nakipag-ugnayan ka sa isang tao sa pamamagitan ng Gmail at gusto mo siyang idagdag sa isang Google Doc o sa isang event sa Google Calendar, pinapadali ng Google ang paggawa niyon sa pamamagitan ng pag-autocomplete ng kanyang email address kapag sinimulan mong i-type ang kanyang pangalan. Mas pinapadali ng feature na ito na magbahagi ng mga bagay sa mga taong kakilala mo. Matuto pa
- Maaaring gamitin ng Google app ang data na na-store mo sa iba pang produkto ng Google upang magpakita sa iyo ng naka-personalize na content, depende sa mga setting mo. Halimbawa, kung mayroon kang mga naka-store na paghahanap sa iyong Aktibidad sa Web at App, maaaring magpakita sa iyo ang Google app ng mga artikulo ng balita at iba pang impormasyon tungkol sa iyong mga interes, tulad ng mga score sa sports, batay sa aktibidad mo. Matuto pa
- Kung ili-link mo ang iyong Google Account sa Google Home mo, maaari mong pamahalaan ang iyong impormasyon at gawin ang mga bagay sa pamamagitan ng Google Assistant. Halimbawa, maaari kang magdagdag ng mga event sa iyong Google Calendar o alamin ang schedule mo sa buong araw, humingi ng mga update sa status sa iyong paparating na flight, o magpadala sa iyong telepono ng impormasyon tulad ng mga direksyon sa pagmamaneho. Matuto pa
pagtukoy ng pang-aabuso
Kapag may natukoy kaming spam, malware, ilegal na content, at iba pang uri ng pang-aabuso sa aming mga system na lumalabag sa aming mga patakaran, maaari naming i-disable ang iyong account o gumawa ng iba pang naaangkop na pagkilos. Sa ilang partikular na pagkakataon, maaari din naming iulat ang paglabag sa mga naaangkop na awtoridad.
proteksyon laban sa pang-aabuso
Halimbawa, makakatulong sa amin ang impormasyon tungkol sa mga banta sa seguridad na maabisuhan ka kung sa palagay namin ay nakompromiso ang iyong account (sa puntong ito ay matutulungan ka naming gumawa ng mga hakbang upang protektahan ang iyong account).
publiko
Halimbawa, nagpoproseso kami ng impormasyon tungkol sa mga kahilingan para mag-alis ng content sa aming mga serbisyo sa ilalim ng mga patakaran sa pag-aalis ng content ng Google o naaangkop na batas para suriin ang kahilingan, at para tiyakin ang transparency, pahusayin ang pananagutan, at pigilan ang pang-aabuso at panloloko sa mga kagawiang ito.
tiyakin at pahusayin
Halimbawa, sinusuri namin kung paano nakikipag-ugnayan ang mga tao sa pag-advertise upang mapahusay ang performance ng aming mga ad.
tiyaking gumagana ang aming mga serbisyo ayon sa inaasahan
Halimbawa, patuloy naming sinusubaybayan ang aming mga system upang maghanap ng mga problema. At kung may mahanap kaming mali sa isang partikular na feature, nagbibigay-daan sa amin ang pagsusuri sa nakolektang impormasyon ng aktibidad bago nagsimula ang problema na mas mabilis na maayos ang mga bagay.